8 Small Business Ideas na Patok at Pinakamabenta sa Pilipinas
Naghahanap ka ba ng small business ideas in Philippines? Marami ang nagbabalak na magtayo ng negosyo sa Pilipinas dahil maraming murang pagpipilian small home business ideas dito kumpara sa ibang bansa. Ito ay isang magandang option para sa mga taong may sales, marketing, at business skills. tapos pwede kang sumali sa Smartsari, kasi maraming business opportunities para sayo. Simulan ang iyong maliit na negosyo ngayon!
Ito ang ilan sa small business ideas in the Philippines na kumikita ng maayos:
1. Sari-sari store
Ang akala ng marami ay kailangan ng malaking puhunan para magtayo ng sari-sari store, pero ang totoo ay maari ka na magkaron ng sarili mong tindahan sa maliit na halaga—simula P5,000 hanggang P10,000. Isa itong karaniwan na small business idea at home.
Kailangan mo lang mamili ng mga ititindang basic goods kagaya ng asukal, canned goods, instant noodles, sigarilyo, candies, sitsirya, sachet ng mga shampoo at sabon, at iba pang mga bagay na karaniwang kailangan at madalas ginagamit sa bahay.
Para magtayo ng sari-sari store, kailangang magkaron ng tindahan sa inyong komunidad. Maari kang magrenta ng maliit na lote or gumamit ng existing shop. Karaniwan din na ginagamit ang sariling bahay para maging tindahan.
2. E-loading business
Magandang small home business idea rin ang pagkakaroon ng e-loading business. Maraming sari-sari store ang isinasabay ang negosyong ito sa mga tindahan nila.
Ang halaga ng pagtayo ng e-loading business ay depende sa package ng iyong napiling network provider. Karamihan sa packages ay mula Php 799 hanggang Php 5,499 depende sa mga serbisyong inoffer nito.
Kailangan mong mag-apply para sa isang dealership account mula sa iyong napiling network provider. Kailangan mo rin ng mobile phone number at payment system. Ang karaniwang network providers sa Pilipinas ay Globe Telecom, Smart Communications, Sun Cellular and Talk ‘N Text.
3. Baking
Para sa mga mahilig mag-bake, perfect ang baking business na small home business idea sa Pilipinas. Ang halaga na kakailanganin para bumuo ng ganitong negosyo ay depende sa kagamitan, ingredients at iba pang supplies na kakailanganin mo bilhin.
Asahan mo pag-invest ng mula P10,000 hanggang P50,000 sa pagbuo nito. Kailangan mong bumili ng overn, mixer, at iba pang kagamitan para sa pagbake ng tinapay, cakes, or pastries. tapos pwede kang sumali sa Smartsari, kasi maraming business opportunities para sayo. Simulan ang iyong maliit na negosyo ngayon!
Maari ka magtayo ng physical store or bumuo ng online baking shop. Maraming baking shop na online lamang ang pagpapatakbo. Gumagawa sila ng Facebook page or ng Instagram page at nag-rurun ng online advertisement sa mga platforms na ito. I-register ang iyong baking shop sa Department of Trade and Industry (DTI) at kumuha ng certificate mula sa Bureau of Food and Drugs (BFAD).
4. Online Tutoring
Napakadali na lamang magset-up ng online tutoring business gawa ng internet connection at teknolohiya sa Pilipinas. Isa ito sa patok ngayon na small business ideas at home. Maari kang magturo ng mga bata mula preschool hanggang sa kolehiyo at kahit mga adults. Ito ay isa sa mga madaling small business ideas from home.
Ang halaga ng pagkakaron ng online tutoring business ay nagkakalaga mula P10,000 hanggang P50,000. Kakailanganin mo ng computer, tablet, headset or mic, at mga applications para sa pagkakaroon ng online tutoring o meeting. Kailangan mong gumawa ng website at gumamit ng ibang applications o websites gaya ng Skype, Zoom or Google Hangouts para sa video conferencing. Kailangan mo rin gumawa ng flyers at brochures para ipromote ang iyong online tutoring business. Maari mo rin itong iadvertise sa Facebook, Instagram, o Google.
5. Milk Tea Business
Isa pa sa mga small home business idea at home na usong-uso ngayon ay ang mga milk tea. Ang pagtitinda ng milk tea or ang pagkakaron ng milk tea shop ay nangangailan ng mula P20,000 hanggang P150,000. Nakadepende ito kung kailangan mo magkaroon ng physical store or kung gusto mo lamang itong gawing online at magdeliver na lamang ng iyong mga produkto. Magandang lokasyon kung malapit ito sa business areas, mga paaralan at kahit saang busy area.
Ang pag-set up ng milk-tea business ay nangangailangan ng mga equipment kagaya ng blender, paper or plastic cups, at straw. Kailangan mo rin ng lahat ng ingredients sa paggawa ng milk tea. Kadalasang ingredients ng milk tea ay brewed tea, gatas, asukal, tapioca pearls, at yelo.
Maghanap ng magandang lokasyon para sa iyong milk tea small business idea at isipan ito ng pangalan na madaling tandaan ng mga customer. Kumuha ng business permit at paper mula sa city hall.
6. Beauty Products
Isa ring magandang small online business idea in the Philippines ang pagkakaron ng sarili mong beauty brand. Ang halaga ng pagtayo ng beauty business nagkakahalaga ng mula P10,000 hanggang P100,000. Depende ito sa beauty products na gusto mong ibenta pati na rin sa dami ng suppliers na iyong kakailanganin. tapos pwede kang sumali sa Smartsari, kasi maraming business opportunities para sayo. Simulan ang iyong maliit na negosyo ngayon!
Karaniwang beauty products na ibinebenta ay make-up, skincare products, at essential oils. Mag-research ng potential market pati na rin suppliers na makapagbibigay ng tamang produkto sa presyong wholesale. Isipin ang branding kabilang ang pangalan at kulay ng iyong packaging.
Kailangan din kumuha ng mga kinakailangang permits and licenses mula sa gobyerno. Kinakailangang kumuha ng License to Operate mula sa Food and Drug Administration (FDA).
7. Vlogging
Para naman sa mga creative na individuals na hindi nahihiyang magbahagi ng kanilang sarili at karanasan sa social media, patok ang vlogging.
Kailangan mo lamang ng iyong camera at kakayahang mag-edit ng iyong mga videos at magpost sa platforms kagaya ng Facebook, TikTok at YouTube para pagkakitaan ang vlogging. Itong tatlong nabanggit na platforms ang karaniwang ginagamit ng vloggers para pagkakitaan ang kanilang content online.
Kinakailangang mag-invest sa camera, lighting kits at editing software.
8. Online Selling via Facebook, Instagram, Lazada or Shopee
Ang online selling sa platforms gaya ng Facebook at Instagram ay libre pero mas magandang magkaroon ng ads sa mga platforms na ito para mas mabilis makilala. Pero maari rin magexplore sa apps gaya ng Lazada at Shopee na may kani-kaniyang fees. Ang sellers ay kailangan magbayad ng 3.36% participation fee sa Shopee. Sa Lazada naman ay may 3 to 6% commission fee depende sa produktong ibinebenta.
Para sa online selling, kailangan mo maghanda ng magandang product images, impormasyon tungkol sa mga produkto at presyo nito. Mag-isip din ng pangalan at logo para sa iyong online store. Malaki ang potential kumita sa online selling kung ikaw ay naghahanap ng small home business ideas.
Karamihan sa small business ideas sa Pilipinas ay masisimulan mo sa halagang P10,000 hanggang P100,000. Ang pinakamahalagang unang gawin ay mag-research sa market at gumawa ng business plan para sa success ng iyong proyekto. Bukod pa rito, huwag rin kalimutan ang pagkuha ng mga kinakailangang permits mula sa local government bago magsimula mag-operate.